Yo!


Hello. Welcome to my blog. Read stories about my life and everything under the sun. This blog is edited by ME. Copyrighted 2009 by misspiggiebanks.blogspot.com . COPYCATS, Posers and Rippers are not welcome here! Strictly NO RIPPING. Please leave a comment and thanks for viewing. Enjoy!

Hello! :)


I'm Richelle Anne de Castro Bartolome, normally called Chelle or Rich. A 22-year old lady from Sta. Cruz, Manila who loves to express her randomness through her online journal. A Thomasian by heart. A counselor who loves to give advices but finds it difficult to deal with her own miseries in love and life. An introvert, trying to live her life outside her box. And a hopeless romantic who would do anything for her real prince charming. Ü Follow me?


More About Me.

Multiply. Twitter. Tumblr. Friendster. Photobucket. Youtube. Facebook. i.ph.
E-mail me/ Y!M



Tagboard!





Ask Me Anything!


Affiliates.

Lalon Chris Kathleen Paolla Mhy Fidel



Visit Pinoy Bloggers




Rewind.

Ang Swerte Ko. :)
Update update lang. :)
Eh...
What I want for 2012.
Ayun oh.
Random. T____T
Bakit?
Ayoko na.
Mei conclusion ako... :)
Love Letter Technique.

Archives.




Credits.

morla | designer
fanny | basecode
photobucket | image
lovecandied, rebecca | material



License.

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Protected by Copyscape Online Copyright Infringement Checker

Creative Commons License
This work is licensed under a

Creative Commons Attribution
3.0 Philippines License
.


Get a FREE Domain



















Ayun oh.
Friday, November 25, 2011 | Time: Friday, November 25, 2011 | 0 tears dropped



Oo, nagkabalikan kami a week after we broke up. Hindi ko sya ineexpect kasi hindi ko naman alam na "nagkalabuan" lang pala kami. Inakala ko kasing talagang wala nang pag-asang maaayus yung lahat since mei mga nalaman pa nga ako about kay Shane. Okay naman kami during the first days na nagkabalikan kami.(Actually it's already 11 days na okay kami) At first, hindi talaga ako nag-eeffort sa relationship kasi fresh pa sakin yung mga bagay-bagay eh. Tas nung time na yun, sya talaga yung nakita kong nag-effort para sakin. Nakapag-celebrate kami ng birthday nya, kahit nung time na yun eh mei unresolved at fresh issues pa kami. Okay din kami nung monthsary namin. Basta, super naging okay naman kami. Actually, mukhang super nakatulong din kahit papanu yung break-up namin.

Off nya kagabi so we decided to bond. Niyaya ko syang manuod ng Breaking Dawn tas sa MOA kami nagpunta. Super saya ko nung time na yun kasi super iba sya sakin eh. Ang sweet sweet nya tapos pinaparamdam nya talagang mahal nya ako. Super kinikilig ako when we're having our dinner kasi pinagsisilbihan nya ako tas basta, iba eh. Okay kami talaga until we have decided na mag-inuman.

Eh di yun tipikal na inuman session. Kwentuhan, ganun. First time ko syang makasamang uminum. He allowed me kasi sya naman yung kasama ko eh. RHB pa nga yung ininum namin eh. Tinamaan ako pero buti in the end, nacontrol ko yung sarili ko na mafeel yung last na nafeel ko nung una akong uminum ng ganun. Hindi ko ineexpect na sya pala yung malalasing at ayun na nga...

Hiniram ko yung phone nya. SIguro hindi na rin namin napansin isa't isa na nahiram ko na pala yung phone nya. Never nya kasi pinahawakan sakin yung cellphone nya. As in. So kagabi, nakatyempo ako at nahiram ko yun. Yung yung MyPhone nya na bagong bili na hindi ko alam kahit idea lang kung san nanggaling yung pambili. Inopen ko yung Inbox 1 nung phone nya at mei nakita akong bukod-tanging message dun na galing sa ordinaryong number. Pag-open ko, ganito yung nakita ko:

"Bhe, mahal na mahal kita........................"

Na-shock ako. Sa sobrang panic ko, yung number nung sender yung tinitigan ko. Hindi kasi naka-register dun yung number eh. Pero dahil nga nasa panic mode ako, hindi ko rin naman totally namemorize yung number. Hindi ko rin naabsorb yung message. Basta ang alam ko, yun ang nabasa ko.

Napansin nyang hawak ko yung phone nya so hiniram nya ulit sakin yun. Triny ko ulit yun heramin pero nung pinahiram nya na ulit, wala na yung messages sa Inbox 1.

Nanlamig ako sa nakita ko. Super minadali ko nang makaalis kami dun sa lugar na yun. Ni hindi ko na nga kinuha yung sukli at resibo nung binayaran ko eh. Super hindi ko alam kung panu ko ihahandle yung sitwasyon.

Pinag-CR ko na lang muna sya. Ang sabi ko, "Sige mag-CR ka muna nang mahimasmasan ka." tas bumulong ako ng, "Hayup ka. Walang hiya ka." Hindi nya naman napansin yun...

After namin mag-CR, dun ko na unti-unting pinasok yung topic. Ang sabi ko na lang sa kanya, "Hayup ka. Walang hiya ka." Takang-taka sya kung bakit ganun yung lumalabas sa bibig ko. Huminto sya nun tas tinanung ako kung bakit ko sinasabi yun at dun ko na sinabing mei nabasa ako sa phone nya. Sabi ko, "Bhe, mahal na mahal kita pala ha. Hayup ka. Kung niloloko mo lang ako, sabihin mo na agad."

Hindi sya nakasagot. Ang sabi lang nya, "Anu yun Hon?......Nakita ko mo ba kung kelan yung date nung message na yun? Matagal na yun." Sagot ko, "Pano ko makikita eh binura mo di ba?" tas nagyaya na akong sumakay ng taxi pauwi since 2am na nun.

While we're on the taxi, super yakap sya nang yakap sakin. Ako naman, hindi nagsasalita. Ang gusto ko lang kasing mangyari nun eh makauwi na nga dahil mapapagalitan na ako ng Nanay ko. Dikit sya nang dikit sakin nung time na yun at sinasabi nyang wag daw muna kaming umuwi. Akala nya naman papayag ako. Naagaw ko ulit yung phone nya kasi super inaantok na sya nun. Nilagay ko agad yung phone nya sa bag ko para hindi nya na maagaw ulit sakin. Hindi nya naman din napansin na ginawa ko yun.

Nag-decide akong ihatid na lang muna sya sa HTA. Alam ko naman kasing hindi nya kakayanin pang umuwi at hindi rin naman pwedeng samin sya matulog. Lalu lang ring magtatagal yung oras kapag nagtalo pa kami o anu.

Hinatid ko sya sa HTA at nung paalis na ako eh dun nya naalala yung phone nyang nasakin. Hindi ko binigay yung phone at sumakay na ako agad dun sa taxi pauwi.

Kinalkal ko phone nya at wala talaga na akong nakitang kahit anu pa dun. Ultimo number ko nga hindi naka-save dun eh. Pero ayus lang naman...

Narealize kong naglolokohan na naman kami nung nakita ko yung number nung Smart sim na nakainsert dun sa phone na yun. Bago yung sim na yun. So panu naman nangyari na luma na yung message dun kung bago lang yung sim?

Yun lang talaga...

Harap-harapan na namang lokohan to.

Hindi ako nakatulog kanina sa totoo lang. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo na talaga alam as in literal kung anu yung iisipin mo. Yung tipong eto na nakikita mo na sa harapan mo pero nagbubulag-bulagan ka pa rin.

Tang-ina, umasa na naman kasi ako.

Hanggang ngayun hindi pa okay kasi wala pa talagang pormal na pag-uusap. Pinilit ko lang na maibalik yung phone nya kasi wala nang time para maibalik ko yun tsaka kanya yun eh. Hindi naman sakin. Aalis pa naman na ako bukas so wala na talagang time.

Hindi ko talaga alam anu nang mangyayari. Kapag nagbulag-bulagan na naman ako, super tanga na ang tawag sakin nun. Pero alam mo yung willing kang magpakatanga kasi mahal mo sya ng sobra? Leche. Bakit pa kasi naimbento yun???

Okay naman kami bago nangyari yun eh. Akala ko nga yun na yun talaga. Super sweet nya. Super nakatingin sya sa mga mata ko while telling me na mahal nya ako. Pero anu bang totoo??? Gusto kong maniwalang totoo lahat yun pero bakit kapag gagawin ko na, meron at meron akong naririnig na namang bagong bagay??? Dahil ba totoo na talaga yun at nagbubulag-bulagan lang talaga ako???

Ako na talaga yung tanga. Sobrang nakakahiya na 'to. T___T





Random. T____T
Tuesday, November 22, 2011 | Time: Tuesday, November 22, 2011 | 0 tears dropped



November 22, 2011

- Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.
- Naguiguilty ako sa mga nagawa ko.
- Ayokong nakikita yung isang taong nagkakaganun dahil sakin.
- Hindi ko alam kung anung magiging epekto pa ng maling actions ko.
- Mei nalaman na naman akong siguradong ikakapamahamak ko kapag nagkataon.
- Nalulungkot ako kasi kailangan ko pang manghingi ng suporta sa kanya para lang iconsole ako.
- Naiiyak at nahihirapan ako kasi hindi ko alam gagawin ko.
- Gusto kong depensahan yung sarili ko pero ayokong magmukhang guilty.
- Sobrang natatakot talaga ako.
- Gusto ko nang maglaho na lang na parang bula.
- Blanko yung isip ko. T___T
- Hindi ko na alam kung san pa ako magsisimula.
- Pakiramdam ko, lalu pang lalala yung sitwasyon.
- Nahihiya ako para sa sarili ko kasi wala na akong ginawang tama.




Bakit?
Tuesday, November 8, 2011 | Time: Tuesday, November 08, 2011 | 0 tears dropped



Namimiss ko sya pero wala akong magagawa. I need to do this for myself. Eto yung tama eh. This time, wala na akong choice kundi gawin tong bagay na to. Nagdesisyon ako, oras na para pangatawanan ko yun. Pero alam mo yung sakit na nararamdaman mo tuwing maaalala mo yung mga nangyari? Na kahit hindi pa nagsisink-in sakin lahat nandito na yung sakit sa puso ko. Bakit ganun? Bakit ko kailangang maramdaman ulit 'to? Test lang ba 'to? Nasasaktan ako. Nahihirapan ako. Nalulungkot ako. Naaawa ako sa sarili ko. Kasi sa pangalawang pagkakataon, naloko na naman ako. Nagmahal lang naman ako ah? Binigay ko ang best ko sa lahat ng pagkakataon, nagparaya ako, nagpasensya, umintindi, nagbigay. Pero bakit sa huli, ako pa rin yung maaargabyado? Ako pa rin pala. Kung alam ko lang sana. Pero hindi naman yun talaga ang rason kung bakit umabot sa point na to eh. Meron lang kasi sigurong mga bagay-bagay na kahit anong pilit natin, hindi lang siguro talaga pwede. Kasi in the end, hindi na rin naman worth it kasi pareho lang na magkakasakitan. Pareho lang na hindi talaga magkakaintindihan. Hindi nagwork out eh. So anu pang magagawa, di ba? Tapusin na lang. Let go. Mabuhay mag-isa.

~ Hindi pa confirmed talaga yung isang nalaman ko. Pero either way, whatever the truth is, wala na naman din kami. Good thing after na namin maghiwalay nung nalaman ko. Hindi na pala talaga magwowork out kasi hindi na tama in the first place. Hindi na maaayos. Tapos na. Nag-agree na pareho yung both sides. Nagdesisyon na. Final na. Malaman man o hindi yung katotohanan. Kahit alam ko sa sarili kong andito pa rin yung sobra kong pagmamahal sa kanya, wala nang magagawa. Wala nang mababago.

Nasasaktan lang kasi talaga ako. Lalo kung totoo pala yung mga bagay na nalaman ko. Pero tulad nga ng mga naexperience ko dati, hindi ko ibebeg na bumalik sya or what. I don't want to be Nessa. I'm not Nessa. Kung ako ang piliin nya eh di okay. Kung hindi ako, eh di okay rin. Hindi ako papayag na mei kaagaw na naman ako sa isang bagay. Not this time anymore.

Nahihiya ako dun sa girl kung totoo man kasi wala syang kamalay-malay sa bagay na yun (assuming...). Kasi nung ako yung nasa sitwasyon na ganun at nung nalaman ko tinwo-two time pala ako ni Marlon, nagalit ako talaga kay Nessa kasi all this time, nanloloko pala silang dalawa. So sa sitwasyon ngayun, ayokong magalit sakin si Shane dahil umeeksena ako sa buhay nilang dalawa ng boyfriend nya. Hindi ako si Grace, lalung hindi ako si Nessa.

Ewan ko kung anu nang mangyayari basta sa ngayun, di pa talaga nagsisink in lahat sakin pero I'm proud to say na kahit papano, okay ako. Hindi na naulit yung depression ko nung time na iniwan ako ni Marlon. I think I was able to handle the situation naman when I learned the truth. Wala na rin kasi akong magagawa eh. Tapos na yung lahat.