Yo!


Hello. Welcome to my blog. Read stories about my life and everything under the sun. This blog is edited by ME. Copyrighted 2009 by misspiggiebanks.blogspot.com . COPYCATS, Posers and Rippers are not welcome here! Strictly NO RIPPING. Please leave a comment and thanks for viewing. Enjoy!

Hello! :)


I'm Richelle Anne de Castro Bartolome, normally called Chelle or Rich. A 22-year old lady from Sta. Cruz, Manila who loves to express her randomness through her online journal. A Thomasian by heart. A counselor who loves to give advices but finds it difficult to deal with her own miseries in love and life. An introvert, trying to live her life outside her box. And a hopeless romantic who would do anything for her real prince charming. Ü Follow me?


More About Me.

Multiply. Twitter. Tumblr. Friendster. Photobucket. Youtube. Facebook. i.ph.
E-mail me/ Y!M



Tagboard!





Ask Me Anything!


Affiliates.

Lalon Chris Kathleen Paolla Mhy Fidel



Visit Pinoy Bloggers




Rewind.

Ang Swerte Ko. :)
Update update lang. :)
Eh...
What I want for 2012.
Ayun oh.
Random. T____T
Bakit?
Ayoko na.
Mei conclusion ako... :)
Love Letter Technique.

Archives.




Credits.

morla | designer
fanny | basecode
photobucket | image
lovecandied, rebecca | material



License.

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Protected by Copyscape Online Copyright Infringement Checker

Creative Commons License
This work is licensed under a

Creative Commons Attribution
3.0 Philippines License
.


Get a FREE Domain



















Last post for the Year 2010.
Friday, December 31, 2010 | Time: Friday, December 31, 2010 | 0 tears dropped


~ Bigla lang akong nde na-excite sa New Year. Ewan ko ba. 2 hours na lang, feeling ko pa, ang dami ko pang naiwan sa 2010 na nde tapos at kailangan ko pa ng time para dito. Tapos parang bigla akong natakot and na anxious sa new days na haharapin ko. Oh My. Ngayun pa? Grabe lang. Mei ganun palang feeling, nu? Anxious ako kasi nde ko pa rin alam until now kung anung plano ko for 2011 eh. Parang bigla akong napahinto kasi honestly, nde ko pa naiisip kung ano yung mga bagay na gagawin ko, babaguhin ko tsaka ie aim ko sa year na 'to. Wala pa lang kasi akong concrete plan. Haayz. Tapos 3 days na lang, work na naman. Makikita ko na naman sya, makikisama na naman ako sa kanila. Bigla daw akong nalungkot. :/ ewan ko ba. Yung feeling na parang magrereport ako sa isang araw pero wala pa akong naaaral or nde ako interesado dun sa topic ko. Ganun yung feeling ko eh. Grabe talaga. 2 hours na lang oh. Haay. :'/



What. I. Want. For. 2011.
Wednesday, December 29, 2010 | Time: Wednesday, December 29, 2010 | 0 tears dropped


Kasi naman eh. Dapat ba sapilitan ang pagpopost ng resolutions/wishlist for the new year? Argh-ness. Eto na. Eto na. :))

What I want for 2011...

1. Pera - Madaming madaming pera. HAHAHA. syempre, sinu ba namang mei ayaw ng pera di ba? Wala naman ata. Kaya sya ang nasa top ng list ko. Eh kaso dami ko utang kaya pagtapos na ang aking mga bayarin, go na go na ako sa pag-iipun. Hehehe

2. Bagong lovelife - Wahahaha nde na talaga natuto oh. Haha nde naman. Nde naman. Basta yung matinung tao lang, solved na ako dun. :)

3. Bonggang-bonggang peace of mind - Ayoko nang mag-isip eh. Nakakapagod, nakakasawa. Harhar peace of mind sa lahat ng bagay at sa lahat ng aspeto ng buhay ko.

4. Good health - Yung wala nang maiinjure sa pamilya namin. Mahirap kasi eh. Haha ako lang naman nainjure eh pero kahit na. Dapat safe kaming lahat. Walang magkakasakit at lahat. :)

5. New friends - Although meron naman akong new friends. Gusto ko pa rin ng newer friends. Pero this time, sana sila yung mga taong nde ka iiwan at matatanggap ka for who you are. Ayun lang. :)

6. Maturity - Nakukuha ba yun? Hahaha ah basta. This year, dapat maging mature na ko. Lord, please. Help me. Haha



Dakilang Palaasa No More. SANA. :))
| Time: Wednesday, December 29, 2010 | 0 tears dropped


Wala lang. Naisip ko lang 'to pagkagising ko kanina. Kagabi kasi tinext ko na sya ng bonggang bongga. Finally, nagkaload na ako sa Globe. Hahaha tas syempre, napuno kasi ako sa mga nabalitaan ko kaya ayun, once and for all, para matapos na nang tuluyan, nagtext na ako. Pero anu pa nga bang ieeexpect natin di ba? Syempre nde naman sya nagreply. Kaya ako, wala lang. Hehe deadma na lang. Takte. Nakakasawa nang maghintay. :)

Naisip ko lang 'to. Nuon, excited akong mainlove ulit. After nung relationship ko kay J, di ba super nalost ako nun. Syempre, down na naman ako nung time na yun kasi basta. Ayun. Haha tapos nung medyo nakakaget over na ako, around end of September yun and early October, sabi ko, gusto ko na mainlove ulit. Pero sana that time sa taong tama na. Yung taong nde na ako sasaktan. Yung taong, gagawin yung lahat para sakin. Yung taong katulad ko. Yung grabe magmahal. Yung di ka papaasahin. Yung nde ka iiwan basta sa ere. Yung taong mei paninindigan at higit sa lahat yung taong tipo ko, gentleman. Sabi ko pa, "It's time na siguro para ako naman yung bigyan nila. Palagi na lang ako yung nagbibigay eh. Ako naman. Ako naman. Sawa na ako na puro sila na lang." And ayun, dumating naman yung isang tao. Nagdoubt pa ako nung time na yun kasi syempre, ayoko nang umiyak nu. Tas akala ko nung time na yun, magiging okay na ang lahat. Yung tipong, sya yung magpaparamdam ulit sakin na worth it akong mahalin after ni J. Yung taong nde ko na kailangang bigyan ng bongga para magbigay sakin. Yung taong magkukusa para sakin. Ang sarap kasi nung pinafeel nya sakin eh. Yung kilig and everything. Syempre, nalift up yung spirit ko kasi basta. Haha at syempre, nagexpect na naman ako ng bongga! Ako kaya si dakilang palaasa. Hahaha pero syempre ulit, iba na naman yung nangyari. Nagexpect ako ng bongga at nasaktan na naman ako. Haha lagi naman eh. Bago ba yun??? Kaya eto parang naramdaman ko na naman ang pagod. Kasi alam mo yung feeling na natatakot ka na ngang masaktan, nag-take ka lang ng risk kasi feel mo worth it sya pero nde na naman pala. Yung akala mo eto na yung happiness ulit pero wala pala. False alarm lang. Haha kaya tuloy naramdaman ko na namang pagod na ako, sawa na ako, ayoko na, tama na. Siguro nga I must be patient uber na maghintay dun sa taong yun. Yung taong gusto ko. Yung taong nde ko na kailangan pang ipagsiksikan yung sarili ko para lang mahalin at tanggapin ako. Siguro nga, kailangan ko nang maging matigas ngayun. Nde na ako dapat magpauto sa mga taong walang alam kundi magpaasa ng bongga. Mga taong walang alam kundi manakit ng kapwa, manggamit, mang-uto. Tama na pagiging tanga ko sa mga ganung bagay. Nde na cute eh. I should know by now. Actually, dapat matagal na eh. Eh kaso nga, ako 'tong si martir na, tanga pa. Bigay naman ng bigay hanggang wala nang natira para sa sarili ko. Ang tanga lang eh nu? Kaya talaga. Talagang talagang talaga lang. Promise ko sa sarili ko nde ko na talaga uulitin ang mga nagawa ko nung nakaraang mga taon. Ayoko na. Haha Pagod na pagod na pagod na akong gumawa ng mga the moves para lang magustuhan ako ng ibang tao. Sobra na need ko sa acceptance eh. Tama na muna ang lahat nang ito. Tama na muna. Nawawala na nang tuluyan pride ko eh. Pati respeto ko sa sarili ko nawalala na rin ata. Ayoko na. Tama na. Tama na talaga. WAAAH. :))



Year-ender post: A Year that Was. Year 2010.
Tuesday, December 28, 2010 | Time: Tuesday, December 28, 2010 | 0 tears dropped


Ieenumerate ko na lang lahat ng mga nangyari sa nakaraang year 2010.

1. I got into an injury. (Lateral displacement of the patella) - First time kong madala sa hospital, ma-stretcher, masakay sa ambulansya at masemento ang binti. First time ko ring magpaphysical therapy. At masaktan physically ng bongga. T.T

2. I fell in love again, got hurt, cried, hope and wished. - In a matter of days and weeks, everything between Jecs and I happened. Super bilis ng mga pangyayari but I really felt good again after sometime. Totally forgot Marlon and was able to move on from it. Yun nga lang. ang kapalit... Hahaha but I'm okay now. Better. :)

3. Got work. - Unexpectedly. :) my prayers were answered. Was hired as an HR Clerk at Holy Tirinity Academy where I had my Guidance Praticum. Had a hard time adjusting with people and with the work since first time ko sa HR field. It was fun and at the same time heart-breaking. Super dami na rin kasing nangyari during my 6 months stay dun eh. :/ but I'm happier now. Never been this happy sa work. :) Kahit anxious pa rin, okay na. :)

4. Fell in love again. Experienced kilig, etc. :) - pero as always, it didn't last. I still got hurt and I still experience rejection. It was a good thing though. Madami rin naman akong natutunan from it eh. And until now, I learn something pa rin. :) pero masakit lang talaga. Anu pa nga ba? Haha

5. Met a lot of new people. - Syempre sa new work. :) Happy because of them. Stressed din. Haha but I value them. BIG TIME. :)

7. I enrolled in MA again. - 2 subjects actually pero syempre, I dropped the one. Haha ewan ko ba. Confused ako eh. :))

8. First time kong nde nakaattend ng Paskuhan. :/ - Kasama talaga 'to? Oo eh. Haha ang sakit lang kasi ehh. First time sa buong life ko. Aww. :/

.... Anu pa bang significant? Wala na ata eh. My 2010 was better than my 2009. Nde naman less heartbreaks pero I think I was stronger than before. Less tears pwedeng sabihin. Same mistakes pero nde na ako nagdwedwell sa kanila. I'm trying to move on easily. More maturity, I think. :) Thanks 2010. Mixed emotions ako sayo. But I'm thankful for everything. :) swear! :)

And hello, 2011!!! 400 years na ang UST! Yey! HAHA be good to me please? No more heartbreaks, no more tears, no more anxiety. :)






Anu na nga ba ang latest?
Tuesday, December 14, 2010 | Time: Tuesday, December 14, 2010 | 0 tears dropped


Ano na nga ba ang latest? WALA. :)

Wala lang. Ganun pa rin kami. Nde na talaga kami nagpapansinan at nag-uusap. Ayus na rin siguro. Kesa naman sa mei mga bagay na naman na mangyayari tapos lalala na naman yung sitwasyon. Siguro mas okay na yung ganito. Iniignore nya ako. Ako rin sa kanya. Deadma lang. Nakakasawa na rin kasi. Tsaka masakit. Pwede naman kasi nyang nde sabihin yung mga bagay bagay na yun dati eh. Kailangan pang sabihin. Tapos dun pa sa maraming nakakarinig. Tapos biglang iiwas after. Parang, "Haller?! Mei choice ka po kaya kung mag-papass ka or kung sasagutin mo yung tanung. Pwede ka po kayang wag sumagot." Nakakaasar lang kasi. Everytime na maaalala ko yung mga bagay na yun, nasasaktan ako. Kasi yung mga salitang yun yung nag-paasa sakin eh. Yung mga yun yung pinanghawakan ko sa loob ng 1 1/2 buwan. Tapos ganun ganun na lang? Nakakaloko lang kasi. Lagi na lang bang ganun? Kay M, kay J. Pwede naman kasing sabihin. Pwede rin naman kasing bawiin yung mga sinabi. Pinaabot sa point na ganito. Napakaselfish! Ganun na ba talaga sila? Nde ko lang kasi magets yung logic eh. Sabihin na lang kesa ipaparamdam pa. Ang gago lang talaga. Nakakabadtrip. Tuwing naaalala ko talaga yun, nanggigigil ako. Sana talaga nde na lang nya sinabi yun. Sana wala na lang syang ginawang move. Sana nde na lang dumaan yung October kung ganun ganun lang din pala. Okay na ako eh. AYAN NA NAMAN TULOY. :/

HAAY BUHAY. :/

Pero okay na talaga ako. Pinipilit ko. AYOKO NA EH. SAWANG SAWA NA AKO. :/

Ang pogi mo ah! LECHE.



Anu nga ba?
Saturday, December 4, 2010 | Time: Saturday, December 04, 2010 | 0 tears dropped



Ayoko nang umasa! Sa totoo lang, napapagod na ako. Although wala naman talagang major major na nangyayari para mapagod ako, wala lang. Yun pa rin yung nafeefeel ko. Bakit nga naman ba ako napapagod? Eh wala namang nagyayari? Hindi ko rin alam. Alam mo yung feeling na gusto ko nang kalimutan lahat, na kahit papanu, nagiging desidido na ako sa gusto kong mangyari tapos bigla biglang babalik yung lahat sa dati? Yung tipong hindi mo alam kung hahawak ka ba o bibitiw ka na? Yung tipong okay na eh. Super okay na tas biglang, oops, eto na naman. Yung wala ka na ngang ginagawa pero mei mangyayari pa na magpapa-alala na naman sayo nung bagay na yun. Haay. Hindi ko na nga rin alam kung anu na ba yung nararamdaman ko eh. Pagdating sa bagay na yun, parang nag go go with the flow na lang ako. Minsan okay ako na ganito yung sitwasyon, minsan naman super naaapektuhan ako pag mei hindi magandang nangyayari. Hindi ko na alam kung anu yung gusto ko talaga. Alam ko naman kung anu yung tama pero syempre ginugusto ko pa rin yung mali kasi alam kong yun yung magpapasaya sakin eh. Anu nang pipiliin ko? Yung tama pero hindi naman ako masaya? O yung mali pero dun ako magiging masaya? Ang labo talaga. Tapos ipapaparamdam sayo yung isang bagay na magpapaasa sayo tas biglang lalayo naman kasi baka daw umasa ka. Nakakaasar lang kasi talaga. Pwede naman kasing sabihin para maging malinaw eh kailangan pang iparamdam.



All I Want for Christmas is YOU. :)
Friday, December 3, 2010 | Time: Friday, December 03, 2010 | 0 tears dropped


"All I want for Christmas is YOU. :) Joke lang po. Pero gusto ko talaga tumbler eh. Pero kahit anu okay lang. Nde naman ako choosy eh. Hehehe tsaka it's the thought that counts naman po di ba? SALAMAT. :)"

~ Yan ang natatandaan kong nilagay ko sa wishlist namin dito sa office. All I want for Christmas is you kasi totoo naman eh. Yung "YOU" naman talaga yung gusto kong matanggap. Nde yung YOU na Zaldy ang pangalang ah. YOU na general. Kung sinu man yung YOU na yun, yan ang nde ko alam. At walang nakakaalam nyan. Gusto ko lang makuha si YOU kasi para maging happy na ako. Hahaha kaya kung sinu man sya, sana dumating na sya para nde ako maging member ng SMP ngayung December. Ahahaha tas gusto ko rin talaga ng tumbler. Wala lang. Gusto ko lang. Ampanget na kasi ng tumbler ko dito eh. Kaya ayun. :)

Kaso nakakaasar lang eh. Papanu, mei nagrereact sa wish ko. :/ Kasi ba naman nung nabasa nya yung nilagay ko, bigla ba naman daw nagcomment ng, "Mukha ba akong tumbler?" So duh?! Inassume nya na siya si "YOU". Ang feeling lang kasi ang feeling! Haha dapat daw bang itanung yun? Buti na lang wala ako dun sa sitwasyon na yun kung hindi. Grr. Tas eto namang mga taga-Accounting Office, kung makasulsol naman ng, "Ang alam namin..." Asar talaga. Eh di talagang mag-aasume na yun na ganun. :/ Okay na sana eh. Haay. Pero syempre, wala na akong magagawa dun. Isipin na nila gusto nilang isipin. Anu pa nga ba? :/