Yo!


Hello. Welcome to my blog. Read stories about my life and everything under the sun. This blog is edited by ME. Copyrighted 2009 by misspiggiebanks.blogspot.com . COPYCATS, Posers and Rippers are not welcome here! Strictly NO RIPPING. Please leave a comment and thanks for viewing. Enjoy!

Hello! :)


I'm Richelle Anne de Castro Bartolome, normally called Chelle or Rich. A 22-year old lady from Sta. Cruz, Manila who loves to express her randomness through her online journal. A Thomasian by heart. A counselor who loves to give advices but finds it difficult to deal with her own miseries in love and life. An introvert, trying to live her life outside her box. And a hopeless romantic who would do anything for her real prince charming. Ü Follow me?


More About Me.

Multiply. Twitter. Tumblr. Friendster. Photobucket. Youtube. Facebook. i.ph.
E-mail me/ Y!M



Tagboard!





Ask Me Anything!


Affiliates.

Lalon Chris Kathleen Paolla Mhy Fidel



Visit Pinoy Bloggers




Rewind.

Ang Swerte Ko. :)
Update update lang. :)
Eh...
What I want for 2012.
Ayun oh.
Random. T____T
Bakit?
Ayoko na.
Mei conclusion ako... :)
Love Letter Technique.

Archives.




Credits.

morla | designer
fanny | basecode
photobucket | image
lovecandied, rebecca | material



License.

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Protected by Copyscape Online Copyright Infringement Checker

Creative Commons License
This work is licensed under a

Creative Commons Attribution
3.0 Philippines License
.


Get a FREE Domain



















Day 9.
Friday, November 26, 2010 | Time: Friday, November 26, 2010 | 0 tears dropped


~ A photo of the item you last purchased.

Eh nakakatamad lang kasing magpicture eh tas dl tas upload. Haha sayang effort ko. Busy ako. :P Kaya eto na lang, kuha na lang ako sa net ng pic. :) Nestea Iced tea. My favorite! :) mei kasama pa yang baked mac eh kaso inubos ko na. Haha nde ko na napicturean. :) bottle yung binili ko ah. NDe Litro Pack. Haha wala kasi akong makitang pic eh. :)




Asan na?
Thursday, November 25, 2010 | Time: Thursday, November 25, 2010 | 0 tears dropped


Asan na ba ako as of now? Anu na bang sitwasyon ko sa trabaho at sa pamilya?

Tinatanung ko yung sarili ko kung anu na nga ba. Nalilito na ako kasi. Sa bilis ng mga pangyayari nitong mga nakaraan buwan at mga araw, nde ko na alam kung asan na ba ako. Ang dami kong dapat isipin, dapat gawin. Parang suddenly, huminto yung mundo at umikot lang 'to sa ilang mga bagay. Nde ko namaaximize yung oras ko nitong mga nakaraang araw. Panu kasi, gala dito, gala dun. Facebook, Facebook at Facebook. Wala nang sense yung mga nangyayari. Naeestablish nga yung mga relationships pero parang napakababaw naman. Ang labo lang. Nawala na rin yung mga goals ko, parang go with the flow na lang ang drama ko. Grabe na 'to. I really need to stop for a while tas tignan kung anu na bang nangyayari sa buhay at paligid ko. Haayz.



Day 8.
| Time: Thursday, November 25, 2010 | 0 tears dropped


~A song to match your mood.

Nde ko kasi alam kugn anung mood ko eh. Ako pa eh mabivalent ako sa lahat ng pagkakataon. Wahahaha goodluck naman. Siguro fave song na lang as of the moment. :)

Eto... Sana lang nakakarelate talaga ako nu? Taeng yan. :))

Again
Bruno Mars

Hands over my head Thinking what else could go wrong Would've stayed in bed How could a day be so long  Never believe that things happen for a reason But how this turned out removed all my doubts So believe, that for you I'll do it all over again Do it all over again All I went through Led me to you So I'll do it all over again for you.  I missed the first train Stood out in the rain all day Little did I know When I caught the next train There you were to sweep me away Cause that's what've I waited for  Never believe that things happen for a reason But how this turned out removed all my doubts So believe, that for you I'll do it all over again Do it all over again All I went through Led me to you So I'll do it all over again for you. oh!  Who ever thought a day got so wrong Could turn out so lovely (oh!) I'm so glad I found you (woo!) Even though the day went so wrong I wouldn't change a thing (yeah, oh) Oh I'll do it, I'll do it all over again Do it all over again  All I went through Led me to you So I'll do it all over again for you. (yeah, yeah, oh) I'll do it all over again (I'll do it all over, do it all over) Do it all over again (I'll do it all over for you, for you) All I went through (all I went through) Led me to you (led me to you) So I'll do it all over again for you. (over again)  Who ever thought a day got so wrong Could turned out so lovely, oo Who ever thought a day got so wrong Could turned out so lovely...



Kailangan talaga ganun? Grr.
| Time: Thursday, November 25, 2010 | 0 tears dropped


~So kailangan talaga sa harap ko sya inaasar sa ibang tao? Ang sakit lang eh. Oo, ayaw nyu kaming dalawa para sa isa't isa pero kailangan ganun? Oo na lang ako eh. Tatawa kunwari pero masakit. Seryoso. Kahit walang deep feelings na involve, masakit din pala. Pero syempre, nice naman ako eh kaya hahayaan ko na lang. :/

For this week pala, eto yung summary ng success ng iwas mode ko.

Day 1 (M) - 75% lang kasi nung lunch time, umarya na naman sya at hindi ko napigilan yung sarili ko na maging concerned sa kanya.
Day 2 (T) - 65% lang kasi ganun pa rin, lumalapit lapit.
Day 3 (W) - 0% kasi tumawag ako sa kanila at jinoketime nya ako, niyaya ko sya ng ilang times na kumain na kasi ang tagal nya, tinext ko sya kasi niyaya ko syang sumama sa hosptial.
Day 4 (TH) - As of now, 9:40 am, 60% na lang ako. Binigyan ko kasi siya ng Kit Kat eh. Grr. Tas nag-usap pa kami about dun sa nde nya pagrereply sakin the other night + yung umasa na naman ako kasi mei nabalitaan na naman ako. :/

Haay. Ang hirap pala nito. :/



Day 7.
Wednesday, November 24, 2010 | Time: Wednesday, November 24, 2010 | 0 tears dropped


~My dream wedding.

Wala akong makitang specific na picture ng dream wedding ko eh. Kasi naman, nde pa pumapasok sa isip ko yung about dun. Basta simple lang pero maganda. Labo. Hahaha ayun. Ganun lang talaga as of now eh. :))



Day 4.
Sunday, November 21, 2010 | Time: Sunday, November 21, 2010 | 0 tears dropped




~Your favorite photograph of your best friend.

Ang hirap naman nito. Lahat favorite ko eh. Hahaha goodluck. :)

Eto na lang para madali. :) oha magkasama pa kami dyan. Hahaha




Day 3.
Saturday, November 20, 2010 | Time: Saturday, November 20, 2010 | 0 tears dropped


~Your idea of the perfect first date.

First date di ba? So eto sagot ko dyan. :) Wala lang. First date eh. Eh di kwentuhan lang muna. As if namang mei iba pang pwedeng gawin di ba? Dapat getting to know muna. Hahahaha

(ampanget ng pic. nakakatamad maghanap eh. :/ )





Day 2.
Friday, November 19, 2010 | Time: Friday, November 19, 2010 | 0 tears dropped



Something I ate today? Eto Dynamite Chews at Flat tops. Haha Dynamite free sampling tas Flat tops from Sir Rod. Harhar :)






Day 1.
Thursday, November 18, 2010 | Time: Thursday, November 18, 2010 | 0 tears dropped


~A photo of yourself and a description of how your day was.

HAGGARD LOOK. Sorry na po. ;)

Ganun pa rin. Simple day. Mei mga ginawang bago like yung paggawa ng Pag-Ibig Loan Report at pag errands ng "mag-isa" sa SSS. Hahaaayz. Sanayan lang naman 'to eh. :)

HAPPY pala ako - medyo. Kasi nung nag-ikot ako ng memo kaninang umaga, nakita at nakausap ko sya. Sana lagi na lang ganun. :/ akala ko wala akong mukhang mahaharap sa kanya kasi naman yung kagabi eh. Pero deadma lang. Nde ako guilty. Ako pa? :) Basta ako I'm just being ME. :)

Kanina bago umuwi, nagstary pa kami sa mei parking para magkwentuhan. Ayan na naman, nakita na naman ako nina Ma'am Anna na nagsstay dun at kasama ang ibang friends ko. Sana naman wag na syang mag-isip ng kung anu... Haayz. Naabutan pa namin sila Z pauwi. Syempre para nde obvious, tumayo kami sa mei gate. At ayun, nakita nya nga kami at binusinahan pa. Yun lang. Haha napagtripang mag-Kanto Grill after dahil umaasang nandun sila pero kami ay umuwing luhaan. Tinext din sya at ayun, nakakadisappoint ang sagot nya. Pero mei kilig. NAKAKAASAR.

Pati pala yung guard sa Smart sa SM San Lazaro, nakakainis rin. Epal to the max. Ayun. :)

Overall, okay naman 'tong araw na 'to. As usual, ganun pa rin. Sana talaga mei bago nang mahire para naman mei iba nang center of attention dito. Pero sana talaga mas maganda ako sa kanya nang wala nang mangyari pang iba. BWAHAHAHA. Sige, kontra pa. HAHAHA. At syempre, sana pa rin maging okay na talaga kami. Ay mali pala, sana makaget-over na ako sa infatuation na 'to. Nde na maganda eh. :/

I'm looking forward pala bukas. Makakasama ko na naman sya. HAPPINESS. :"> (HUWAAAT??? AYAN NA NAMAN. TSK.)



Update.
Wednesday, November 10, 2010 | Time: Wednesday, November 10, 2010 | 0 tears dropped



Kahit pinipigilan ako ng mga taong kausapin sya, kahapon, pinilit ko pa rin yung gusto ko. As usual, naging impulsive na naman ako. (Hindi ko na ata mababago yun eh.) Just 20 minutes before ko sya yayain makipag-usap sakin, I thought twice kasi nga there are people who told me na dapat raw hindi ko na sya kausapin dahil mas lalung lalaki lang daw yung issue. Nagdoubt ako kung itutuloy kong kausapin sya kasi hindi ko rin talaga alam kung anu ngang magiging outcome nun. Pero syempre, hindi ko naman napigilan yung sarili ko at ayun, tinawagan ko sya para papuntahin sa office at kausapin. Anu nga ba kasing real reason ko kung bakit ko sya gustong makausap? Well honsetly, para lang naman yun isettle ang lahat lahat ng mga issue na namumuo/namuo sa issue na ginawa namin. Sabi nila, bakit daw ako hihingi ng closure eh hindi naman daw naging kami. Oo nga naman. Hindi nga naman naging kami at hindi rin naman closure ang hiihingin ko eh kaya ako nakipag-usap sa kanya. Nakipag-usap ako kasi gusto kong malaman nya yung side ko, gusto kong iklaro kung anu bang reason nya sa pag-iwas nya sakin at higit sa lahat para malaman ko kung okay ba kami dahil nga mei mga naririnig kami sa bawat isa about dun sa nangyari samin.

Okay naman yung pag-uusap namin pero honestly, parang hindi naman talaga naclear ng mabuti yung issue na dapat isettle. Kasi sa totoo lang, naramdaman kong hindi sya naging honest sakin eh. Naramdaman kong merong mga bagay na hindi nya masabi/maamin sakin/ Nakakaasar lang pati yung mga paliwanag nayng hindi naman ganung kaklaro. Basta ang labo. Pero ang bottomline, ayon sa kanya, okay daw kami. And yun lang naman din ang pinakaimportante eh. Yun lang rin naman yung issue na gusto kong liwanagin sa kanya.



Yun yun eh.
Monday, November 8, 2010 | Time: Monday, November 08, 2010 | 0 tears dropped



So ganun din pala dito. Akala ko makakaiwas na ako sa mundong katulad ng pinanggalingan ko pero hindi pala. Eto na yung sinasabi sakin ng Nanay ko na hindi maiiwasan ang mga ganung klaseng bagay at pangyayari sa mundo ng trabaho. At totoo ngang talaga ang kasabihang, "You cannot please everybody." Kung ayaw nila sa sakin, eh di huwag. Ang sakit lang kasi totoo ka sa kanila pero sila pala ay hindi sayo. Hindi mo talaga malalaman kaagad kung sinu-sino ang mga taong mapagkakatiwalaan mo. Ang hirap gumalaw sa mundong pinasisikip ng mga tao sa paligid mo. Gustuhin mo mang gumalaw ng malaya, meron at meron pa ring mga matang titingin at titingin sayo. Ang masaklap pa run, hindi lang tingin ang gagawin nila. Mei maririnig ka pang mga salitang hindi mo naman nararapat na marinig. Mga salitang wala namang basehan kundi ang mga kilos mong hindi naman talaga ganun ang ibig sabihin. Mga salitang alam mo sa sarili mong hindi mo nararapat matanggap. Ilang beses nang nangyari 'to sakin. Ilang beses ko nang napagdaanan ang lahat ng ito. Pero may mas lalala pa pala sa lahat nang mga yun. At yun ay dadating sa panahong hinding hindi mo inaakalang mangyayari.

~ Akala ko, magiging okay na ang lahat-lahat sa bagong mundong kinalalagyan ko. Okay na ako eh. Masaya na ako. Maayus na. Nagkakaron na rin ng linaw yung hinaharap ko. Pero ang lahat ng mga yun, hindi rin naman pala totoo. Para sakin lang pala yung mga bagay na yun, pero para sa ibang tao, hindi. Siguro nga, masyado lang talagang malaki ang need ko na matanggap. Ganito ako eh. Mababago ko pa ba yun? Sa ngayon, hindi ko na alam kung san ko ilulugar yung sarili ko. Kung anu yung mga nararapat kong gawin. Mahirap yung situation na ganito.



In a matter of weeks.
Wednesday, November 3, 2010 | Time: Wednesday, November 03, 2010 | 0 tears dropped


As usual, masyado na namang mabilis ang mga pangyayari kaya eto, late post na. Tungkol ba san 'tong entry na 'to? Syempre, alam na! Lovelife. As usual. Pero kakaiba 'tong kwento ko ngayun. Medyo. Pero bottomline, ganun pa rin. Ako pa rin ata ang talo dito. :/

Meron kasi akong ka-work na nung pumasok ako sa school, tinutukso na sakin ng mga ibang empleyado. Kami yung pinagppair kahit nung school director tas eventually, nawala yung pang-aasar na yun kasi deadma lang kami. Pero just last October 19, nung nagpost ako ng status sa FB na, "Crush, magpakita ka sakin mamaya, ha?" (referring to my a different person), bigla syang nag-comment ng, "Ako ba 'to? Sige sige mamaya magpapakita ako sayo." Eh natuwa ako sa pangungulit nya so naki-ride ako sa comments nya. Hanggang sa nag-post ako ng another stat. na, "Gusto ko na tuloy ulit magka-boyfriend. Crush, ikaw na lang kasi eh..." Nag-comment na naman sya ng, "Ako ba ulit 'to? Sige tayo na lang para wala nang usapan.". So from that conversation, naging tawagan na namin yung bf-gf. Eh di syempre, nagsimula na naman yung asaran namin. Pati yung ibang empleyado, inaasar na kami and they keep on telling us na bagay kaming dalawa. Nung intrams namin, pinilit pa kami magpicture ng sweet tas umabot sa point na hinatid nya ako pauwi, ganun. Yung tipong parang kami na rin talaga. Until nung retreat na namin, (October 26), tabi kami sa bus papunta. During that moment, dun namin nakilala yung isa't isa. Nagkwentuhan kami the whole time. We got to know each other better. Mei time pa na out of nowhere, nung nagstop over kami, pagbalik nya, binilhan nya ako ng peach mango pie. Tas he made me lay on his shoulders nung time na inaantok na ako. Super naramdaman ko yung sweetness and his being a gentleman nung time na yun. Pero the confusing part is nung nandun na kami sa mismong retreat. Super deadma na sya sakin. To the point na ako lang kumakausap sa kanya at isang tanung isang sagot na lang sya. Nde rin kami nagpansinan sa buong time na yun. Yung parang umiiwas sya sakin. Tas nung last night ng retreat namin, we were asked by the director to share something about us. 9 ata kami sa group nun. Umiikot yung tanung mostly saming 2. Tinanung sya kung anung rating na ibibigay sa tendency na mafall sya sakin. At ako rin ganun yung tanung sakin. Nauna ako sumagot and I gave an answer of 8. Sya naman, 7.5. So syempre, natuwa naman ako nun. Pinaidentify din kung anu yung kilig moment namin sa isa't-isa. Eh di kinwento ko na nung time na binigyan nya ako nung peach mango pie. Sya naman nung parang pinunasan ko yung likod nya nung pinagpapawisan sya. In short, we found out na we like each other pero after nun, super iwas na sya ulit. Literal. As in nde talaga kami nagpansinan sa bus nung byahe pauwi. Nde nya ako kinakausap. As in. Hanggang to this very moment ganun sya. I just found out na umiiwas pala sya talaga kasi daw, baka raw umasa ako na liligawan nya ako which is parang nde naman mangyayari. Eh di syempre ang sakit nun for me. Kasi honestly, umasa talaga ako na someday, we can be together. Yung effort nya sakin, etc. Tas ganun? Nacoconfuse talaga ako pero ngayun, I know kung anu na yung dapat kong gawin. Move on na ulit. :/