Yo!


Hello. Welcome to my blog. Read stories about my life and everything under the sun. This blog is edited by ME. Copyrighted 2009 by misspiggiebanks.blogspot.com . COPYCATS, Posers and Rippers are not welcome here! Strictly NO RIPPING. Please leave a comment and thanks for viewing. Enjoy!

Hello! :)


I'm Richelle Anne de Castro Bartolome, normally called Chelle or Rich. A 22-year old lady from Sta. Cruz, Manila who loves to express her randomness through her online journal. A Thomasian by heart. A counselor who loves to give advices but finds it difficult to deal with her own miseries in love and life. An introvert, trying to live her life outside her box. And a hopeless romantic who would do anything for her real prince charming. Ü Follow me?


More About Me.

Multiply. Twitter. Tumblr. Friendster. Photobucket. Youtube. Facebook. i.ph.
E-mail me/ Y!M



Tagboard!





Ask Me Anything!


Affiliates.

Lalon Chris Kathleen Paolla Mhy Fidel



Visit Pinoy Bloggers




Rewind.

Ang Swerte Ko. :)
Update update lang. :)
Eh...
What I want for 2012.
Ayun oh.
Random. T____T
Bakit?
Ayoko na.
Mei conclusion ako... :)
Love Letter Technique.

Archives.




Credits.

morla | designer
fanny | basecode
photobucket | image
lovecandied, rebecca | material



License.

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Protected by Copyscape Online Copyright Infringement Checker

Creative Commons License
This work is licensed under a

Creative Commons Attribution
3.0 Philippines License
.


Get a FREE Domain



















Ang Swerte Ko. :)
Tuesday, July 24, 2012 | Time: Tuesday, July 24, 2012 | 0 tears dropped



Nag-away na naman kami nung monthsary namin. After ilang weeks, major major away na naman

nangyari samin. Ewan ko ba. Alam mo yung super hindi mo naman talaga ineexpect tapos mei

mangyayari pa lang ganun? I almost lost him - again. Oo, kasalanan ko. Katangahan ko. Panu

ba naman kasi, hindi ko na daw kasi sya binigyan ng kalayaang gawin yung gusto nya. Hindi ko

na sya hinayaan mag-grow which is para rin naman daw samin dalawa. Monthsary kasi namin yun.

Super excited ako the whole week for that day kasi yung day na yun ay pina-off ko pa sa

schedule nya sa supervisor nya para lang makasama ko sya ng matagal. Super yun yung

pinakahihintay kong highlight nung week na yun kasi nga super okay kami nung mga previous

weeks. Tapos nung night before, bigla bigla syang magsasabing meron daw silang team building

sa UNO at pinapapunta sya. Nainis ako. Alam mo yung iba pala yung mas uunahin nya kesa

sakin? Yun yung naramdaman ko nun eh. Super sumama yung loob ko nung time na yun kasi alam

kong iyon yung mas pipiliin nya kesa sa monthsary namin. Sumama yung loob ko kasi sinabi

nyang mei next time pa naman daw other than sa date na 21. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya

after nun at binabaan ko na lang sya ng phone. Inexpect ko na lang din na uunahin nya talaga

yung team building na yun kesa sakin.

Super frustrated ako dahil dun. Kasi alam na alam kong ako na naman yung magiging masama

after all. Oo nga, ako nga yung masama pero kasi ang point ko lang naman eh nagplano kasi

ako na makasama sya at macelebrate yung araw na yun kasi nga monthsary namin yun tapos ganun

lang din pala di ba? Pero after that, I felt guilty. Especially nung inexplain nya na sakin

yung reason the day after kung bakit nya talaga gustong umattend dun sa activity na yun.

Alam ko naman yung point nya eh. Maiintindihan ko naman yun. Kaso lang, hindi nya rin naman

inexplain sakin ng maayos. Nagalit na rin kasi agad sya nun nagalit ako sa kanya. Ang labo

lang.

Hindi na rin sya tumuloy dun sa team building kasi nabadtrip na raw sya sakin at

makukunsensya daw sya kapag umalis pa rin sya habang ako, galit sa kanya. Nagkita na lang

din kami nung araw na yun at dun na namin napag-usapan yung lahat.

Muntik na naman syang nawala sakin. Alam ko at ramdam na ramdam kong gustung-gusto nya nang

bitawan yung mga salitang "Ayoko na". Alam na alam kong pag sinuggest ko yung bagay na yun

sa kanya, papayag at papayag sya dahil sa sobrang inis at galit nya sakin. Dahil hindi nya

ako maintindihan sa kung anu mang pinupunto ko sa kanya.

Almost 3 hours kaming nag-usap nun. Alam mo yung tahimik lang din sya at hindi mo alam kung

nag-iisip ba o nagpipigil or what?

Bigla syang tumayo nun at inakala kong iiwan nya na ako. Mas pinili kong sundan sya dahil sa

takot kong baka nga hindi nya na ako balikan after. Pero tumayo lang pala sya kasi mag-ccr

sya. Hindi rin sana ako mag-ccr nun kasi natatakot akong baka paglabas ko, wala na sya. Pero

natuwa ako kasi nakita ko syang naghihintay sa labas. Hindi nya ako iniwan.

Narealize ko lang, kahit super dami kong sakit na naramdaman, frustrations, pagkainis dahil

sa kanya, hindi ko pa rin sya gustong mawala. Sa dami ng immaturities ko na ipinakita ko sa

kanya, pinipili nya pa ring hindi ako igive up. Oo, madaming times na na alam ko at ramdam

kong gustung-gusto nya na akong bitawan, na gustung-gusto nya akong isuko dahil alam kong

nahihirapan na sya sa ugali ko. Pero kahit ganun, nandyan pa rin sya sa tabi ko.Kahit puro

"sorry" lang bukamibibig ko sa kanya tuwing nakakagawa ako ng kasalanan, pinapatawad nya pa

rin ako. Ako pa rin yung pinipili nyang nasa tabi nya.

Siguro nga, kahit madami akong kinaiinisan sa kanya, kahit marami akong ayaw sa kanya at

marami akong hinihiling na sana meron din sya tulad ng iba, kahit marami syang pagkukulang

sakin, mahal nya nga talaga ako. Kasi sa sobrang dami ng maling nagawa ko sa relasyon namin,

nandyan pa rin sya sa tabi ko at hindi nya pa rin ako iniiwan. Knowing him na isang ma-pride

na tao at kapag ayaw nya yung isang bagay ay ayaw nya talaga? Swerte pa rin talaga ako...



Update update lang. :)
Tuesday, July 17, 2012 | Time: Tuesday, July 17, 2012 | 0 tears dropped



Super tagal ko na palang hindi nakakapag-update mg blog ko dito. Super dami nang nangyari for the past months and super naging busy na rin ako kaya hindi na nakapag-update.

So far, okay naman ang relationship namin. Nag-anniversary kami last month. Ayan na, 1 year na kami. Expected ko naman talaga na aabot kami dito nung bago pa lang kami. Pero sa mga pinagdaanan namin sa buong taon na yun, super hindi mo na ieexpect na magiging kami pa rin after.

Super daming struggles ng relationship namin sa loob nung 1 year na yun. Actually, kung ako ang tatanungin, hindi naman talaga naging happy yung time na yun. Puro iyak, puro sakit, puro away, hindi pagkakaintindihan. Super mega daming times na muntik na muntik na ako - kami - nag-give up. Super daming beses lumabas sa bibig nya yung mga salitang mei kinalaman sa "break-up". Super daming luha yung iniyak ko pagdating sa kanya. Super daming sleepless nights, efforts, yung inexert ko para lang mag-work yung relationship namin. Hindi mo na nga talaga ieexpect na magkakasundo pa kami eh.

Sa loob nung 1 year ng relationship namin na yun, ang dami ko ring natutunan. Una, na hindi lang love talaga ang kailangan para mag-work yung isang relasyon. Kailangan talaga ng tiwala. Super laking tiwala dun sa taong mahal mo. Na kahit ba parang imposible na talagang magtiwala ka pa dahil sa mga pinagdaanan mo nuon, wala ka pa ring choice kundi gawin yun. Kasi ikaw rin ang talunan pag wala ka nun. Hindi ko naman masasabing mei tiwala ako sa kanya 100 % sa ngayon, pero pinipilit ko. Ako rin naman kasi ang mahihirapan kapag hindi eh... Bukod rin pala sa love, kailangan niyo rin ng compatibility. Hindi lang pwede yung magkasundo kayo superficially. Dapat mei deep connection talaga kayo kasi super hindi talaga kayo magkakaintindihan kung wala nun. Hindi ko rin naman masasabing meron kami nun. Actually, wala nga ata eh. Pero we are working things out - I am. Sayang naman kasi kung papabayaan lang.

Super conscious effort talaga ang kailangan sa isang relasyon. Hindi lang pwede yung hahayaan nyu na lang totally yung isang bagay na gumalaw para sa inyong dalawa. Choice nyo kung maggigive up kayo o kung ipaglalaban nyo. Choice nyo kung tiututloy nyo or bibitawan nyu na. Asa inyo yung decision kung worth it pa bang ipagpatuloy yung meron kayo o ilelet go nyo na lang... Decision nyo kung magririsk pa kayo at magsasacrifice o isusuko nyo na lang kasi masakit na. Kailangan nyong maging strong para maging masaya. Kailangan nyong iweigh ang mga bagay bagay...

Narealize ko din lately na hindi ko pa makukuha yung pinaka-gusto ko as of the moment. Talagang kahit ipagpilitan ko, hindi pa rin talaga sya maibibigay sakin soon. Ewan ko ba. Hindi naman sa super gusto ko na sya talaga mangyari ngayon kasi alam ko namang hindi pa ako talaga handa sa bagay na yun eh. Ang gusto ko lang naman kasi ay yung assurance na manggagaling sa kanya. Hindi lang verbally pero gusto ko totoo talaga. Yung promise na mangyayari yung bagay na yun kasi gusto nya at hindi dahil napipilitan lang sya o naprepressure sakin. Iba kasi kapag mei security ka na at meron kang pinanghahawakan eh. Na-trauma na rin kasi ako nuon. Yung tipong mangangako-ngako tapos maglalaho lang rin pala. Haay. Ewan ko ba talaga.

So far, okay naman kami. After ng anniv. namin, nagkaron na naman kami ng major major na away. Buti na lang, wala pa ring nag-give up samin. Ngayon, masaya na ako. Pinili ko na rin kasing mag-go-with-the-flow eh.

Sige na lang, oo na lang ako sa kung anong gusto nya. Baka kasi sa kakaforce kong mangyari yung mga gusto ko, mawala lang rin sya sakin. Ayoko nang maulit yung ginawa ni...



Eh...
Friday, January 13, 2012 | Time: Friday, January 13, 2012 | 0 tears dropped



Mahirap lang siguro talagang intindihin. Nagttry naman ako eh. Pero pag andun na sa sitwasyon, ang hirap na. Hindi ko na maintindihan. Masakit sa bangs. Simple lang naman kasi yung hinihingi ko sa kanya eh. All this time. Pero in the end of everything, sarili ko pa rin yung nakikita kong nagcocompromise, nagsasacrifice, nag-aadjust. Okay lang naman sakin yun. Wala namang problema. Mahal mo eh. Pero panu kung abuso na? Yung tipong, ikaw na nga yung nagbibigay sa kanya, pag humiling ka pa ng kahit papanung kapalit kasi nagkukulang ka na rin para sa sarili mo, ikaw pa yung lalabas na demanding? Ang labo lang kasi... Yung bang tipong sige, accepted na na meron at meron kang mga bagay na hindi na mababago pa sa sitwasyon kasi nga ganun na eh. Ikaw lang mafrufrustrate sa kakapilit mabago yun. Pero yung simple na nga lang na hinihingi mo/kailangan mo para kahit papanu eh maramdaman mo naman yung gusto mong maramdaman mula sa kanya eh wala pa rin. Panu naman yun, di ba?

I talked to him about it. Hindi ko pa rin naman nasabi sa kanya in detail kung anu talaga yung gusto ko. Feeling ko kasi, dapat alam nya na yun at di ko na kailangang sabihin pa eh. Nahirapan ako sa part na yun. Sobra. Kasi hindi ko alam kung papanu ko maipaiintindi sa kanya lahat lahat nang wala syang ibang iisipin. Alam kong mali yung ginagawa ko. Nagreresist sya eh. Syempre kung hindi eh di sana wala nang ganito ngayun di ba? Pero I have no choice. I couldn't think of any way kasi para maintindihan nya. Yun. Nung time na kasuap ko sya, okay naman. Pero frustrating pa rin. Hindi ko kasi alam kung inaabsorb nya ba lahat ng mga sinasabi ko eh. Oo lang kasi sya nang oo.

After that, nakita ko namang kahit papanu eh nagbago sya. Pero alam ko sa sarili kong hindi pa rin ako dapat umasang magiging consistent sya dun. Hindi naman sa wala akong tiwala. Mas okay na rin kasi siguro yung ganun para less disappointments di ba? Kung ipagpapatuloy nya yun, eh di okay. Kung hindi...

Alam kong hindi ako perpekto. Alam ko naman yun at aminado ako run. Nakakaguilty na nga minsan eh. Pero anung magagawa ko??? T__T

Alam ko rin namang mahal nya ako. The fact that he's staying beside me after all. Kahit ganun yun, nararamdaman ko naman yung concern nya. Pero minsan, kulang lang talaga eh. Mei nawawala. Although sinasabi nyang wala naman dahil para sa kanya, wala naman talaga. Minsan kailangan mo pa rin talagang hanapin yung iba dun para makita mo. Minsan, iba lang talaga yung hinahanap mo.

I almost gave up days ago. Pero kinaya ko. Alam ko rin naman kasing hindi yun yung natatanging solusyon para maging okay yung lahat between us. Mei arguments pa rin kasi talaga na pwede namang masolusyunan sa mabuti at emphatic na usapan eh. Panu na lang kung nag-give up ang isa samin nang basta-basta? Malamang, lugmok kami pareho ngayun.

Basta winiwish ko lang lagi na maging okay ako. Kami. Sana lang talaga dumating yung time balang-araw hindi na ako ganito - at hindi na rin sya ganun. Positive naman ako na mangyayari yun eh. Basta kapit lang. Steady lang. :)




What I want for 2012.
Saturday, December 31, 2011 | Time: Saturday, December 31, 2011 | 0 tears dropped



Same title as last year's. Just changed the year. Ang bilis, 2012 na agad. Super parang lumipad lang yung 2011 ko. Ang daming nangyari. Ups, downs. Victories, defeats. Heartbreaks, happiness. Problems, anxieties, disappointments. Wala akong masabi, sa totoo lang. Hindi ko nga ma-describe eh. Pero overall, okay naman sya. I'm glad na nasurvive ko ang previous year especially yung mga super nakaka-drain na mga pangyayari. I just hope 2012 will be good for me as well. Yun lang naman pinaka-wish ko eh. :)

So for my year 2011, eto yung mga highlights nya...

1. January-February-March - Hindi ko na super maalala kung anung mga nangyari. Basta ang alam ko, dito ako nakakilala ng new friends. Mei mga realizations din at bagong apple of my eye. Syempre, mawawala naman ba yun? HAHAHA puro work at friends lang ako nung time na to. Gala dito, gala doon. :) Pinaka-highlight? Dito nabuo yung online business naming mei pamagat na D' Paocheblara which stands for Dante, Paolla, Richelle, Blasurca and Ara. We started at Php 700 each and nag-bloom naman ang business namin kahit mei times na super busy kaming lahat. We sell sky lanterns until now and mukhang magbloblossom pa to this new year. SANA. :)

2. April-May-June - Summer time! :) Ang dami ring nangyari sakin. Dito ko unang na-experience ang Exposure sa HTA. Nagpunta kami sa Bacoor, Cavite nun and we stayed overnight sa isang squatters area. Okay naman at nasurvive ko sya. :) Fulfilling rin naman. :D Dito rin sa quarter na to ko nakilala si Alex na super duper hindi ko ineexpect na magiging "ka-close" ko. As in. Tas syempre, dito na rin, specifically month of June, nung nagkaron ako ng bagong lovelife. Super unexpected lahat nung mga pangyayari kasi super mabilis pero hindi ko talaga inexpect na magiging kami. Nagsimula kasi lahat yun sa "pagpapayong" nya sakin during one procession eh. Haha who would have thought di ba? So far, okay naman. GV lang for 2012. :)

3. July-August-September - Simula ng peak ng emotional stuffs sa buhay ko. Ang daming emotional stuffs (stuffs talaga ah? haha) yung pinagdaanan ko nung time na to. Super lagi akong stressed particulary sa lovelife ko. Oo, ganun na nga. Hindi ko madescribe at hindi ko rin ineexpect na magiging ganun yung pagdadaanan ko nung time na yun. Ang dami ring new experiences tsaka new learnings na hindi ko naman masabi kung mei natutunan ba talaga ako. HAHAHA oh basta ganun na yun. :)

4. October-November-December - Pagpapatuloy lang ng depressed mood ko atbp.Super dami rin nangyari. Hindi lang sa lovelife pati na rin sa relationships ko with my co-workers. In terms of lovelife, dito kami nagkalabuan ng sobra na humantung pa sa hiwalayan na hindi ko alam na cool-off lang pala talaga. HAHAHA Dito rin kami nagkabalikan at dito ko rin naramdamang mahal nya ako. Dito rin sa part na to lumala at naramdaman ko ang consequences ng mga maling desisyon ko sa buhay at ang pinakamaganda ay dito ko super na-realize kung anung mga mali ko at nagdesisyon akong simulang baguhin yun.Ay, nag-try din pala akong magdiet nung time na to. At syempre, di ko sya napangatawanan. Haha yun lang. :))


And kung anung mga wishes ko for this new year?

1. Peace of Mind - Ayoko na ng mei iniisip palagi especially when it comes to him. Ayoko nang ma-anxious. Ayoko nang mag-worry sa kanya. Gusto ko lang na maging okay lang ako. Walang praning mode, walang pag-aalala. Steady lang ba. :)

2. Security - Syempre, sa kanya na naman. Hindi naman sa super nagdududa pa rin ako sa kanya. Mas gusto ko lang this time maramdamang secured na ako sa kanya. Kahit alam ko namang medyo malabo pang mangyari yun finanacially or what. Pero sa aspect ng love, sana. Sana lang talaga. :)

3. Disiplina - Sana lang mapangatawanan ko at maipagpatuloy ko yung sinisimulan kong pagkakaroon ng disiplina sa buhay. Super kulang kasi talaga ako dun sa lahat ng aspeto eh. Sana pa rin. Eto kasi yung pinakakailangan ko eh. Haay.

4. Self-confidence - As always.

5. Patience - Mahirap kasi talaga to eh. Pero sana rin. Patience is a virtue nga eh di ba? HAHA

6. Pagmamahal sa sarili - Kulang rin kasi ako nito eh. Sana this year, sarili ko naman yung isipin ko at hindi yung iba. Sana this year, ako naman ang bigyan at hindi ako ang magbigay. Nakakapagod rin kasi talaga. :)



Ayun oh.
Friday, November 25, 2011 | Time: Friday, November 25, 2011 | 0 tears dropped



Oo, nagkabalikan kami a week after we broke up. Hindi ko sya ineexpect kasi hindi ko naman alam na "nagkalabuan" lang pala kami. Inakala ko kasing talagang wala nang pag-asang maaayus yung lahat since mei mga nalaman pa nga ako about kay Shane. Okay naman kami during the first days na nagkabalikan kami.(Actually it's already 11 days na okay kami) At first, hindi talaga ako nag-eeffort sa relationship kasi fresh pa sakin yung mga bagay-bagay eh. Tas nung time na yun, sya talaga yung nakita kong nag-effort para sakin. Nakapag-celebrate kami ng birthday nya, kahit nung time na yun eh mei unresolved at fresh issues pa kami. Okay din kami nung monthsary namin. Basta, super naging okay naman kami. Actually, mukhang super nakatulong din kahit papanu yung break-up namin.

Off nya kagabi so we decided to bond. Niyaya ko syang manuod ng Breaking Dawn tas sa MOA kami nagpunta. Super saya ko nung time na yun kasi super iba sya sakin eh. Ang sweet sweet nya tapos pinaparamdam nya talagang mahal nya ako. Super kinikilig ako when we're having our dinner kasi pinagsisilbihan nya ako tas basta, iba eh. Okay kami talaga until we have decided na mag-inuman.

Eh di yun tipikal na inuman session. Kwentuhan, ganun. First time ko syang makasamang uminum. He allowed me kasi sya naman yung kasama ko eh. RHB pa nga yung ininum namin eh. Tinamaan ako pero buti in the end, nacontrol ko yung sarili ko na mafeel yung last na nafeel ko nung una akong uminum ng ganun. Hindi ko ineexpect na sya pala yung malalasing at ayun na nga...

Hiniram ko yung phone nya. SIguro hindi na rin namin napansin isa't isa na nahiram ko na pala yung phone nya. Never nya kasi pinahawakan sakin yung cellphone nya. As in. So kagabi, nakatyempo ako at nahiram ko yun. Yung yung MyPhone nya na bagong bili na hindi ko alam kahit idea lang kung san nanggaling yung pambili. Inopen ko yung Inbox 1 nung phone nya at mei nakita akong bukod-tanging message dun na galing sa ordinaryong number. Pag-open ko, ganito yung nakita ko:

"Bhe, mahal na mahal kita........................"

Na-shock ako. Sa sobrang panic ko, yung number nung sender yung tinitigan ko. Hindi kasi naka-register dun yung number eh. Pero dahil nga nasa panic mode ako, hindi ko rin naman totally namemorize yung number. Hindi ko rin naabsorb yung message. Basta ang alam ko, yun ang nabasa ko.

Napansin nyang hawak ko yung phone nya so hiniram nya ulit sakin yun. Triny ko ulit yun heramin pero nung pinahiram nya na ulit, wala na yung messages sa Inbox 1.

Nanlamig ako sa nakita ko. Super minadali ko nang makaalis kami dun sa lugar na yun. Ni hindi ko na nga kinuha yung sukli at resibo nung binayaran ko eh. Super hindi ko alam kung panu ko ihahandle yung sitwasyon.

Pinag-CR ko na lang muna sya. Ang sabi ko, "Sige mag-CR ka muna nang mahimasmasan ka." tas bumulong ako ng, "Hayup ka. Walang hiya ka." Hindi nya naman napansin yun...

After namin mag-CR, dun ko na unti-unting pinasok yung topic. Ang sabi ko na lang sa kanya, "Hayup ka. Walang hiya ka." Takang-taka sya kung bakit ganun yung lumalabas sa bibig ko. Huminto sya nun tas tinanung ako kung bakit ko sinasabi yun at dun ko na sinabing mei nabasa ako sa phone nya. Sabi ko, "Bhe, mahal na mahal kita pala ha. Hayup ka. Kung niloloko mo lang ako, sabihin mo na agad."

Hindi sya nakasagot. Ang sabi lang nya, "Anu yun Hon?......Nakita ko mo ba kung kelan yung date nung message na yun? Matagal na yun." Sagot ko, "Pano ko makikita eh binura mo di ba?" tas nagyaya na akong sumakay ng taxi pauwi since 2am na nun.

While we're on the taxi, super yakap sya nang yakap sakin. Ako naman, hindi nagsasalita. Ang gusto ko lang kasing mangyari nun eh makauwi na nga dahil mapapagalitan na ako ng Nanay ko. Dikit sya nang dikit sakin nung time na yun at sinasabi nyang wag daw muna kaming umuwi. Akala nya naman papayag ako. Naagaw ko ulit yung phone nya kasi super inaantok na sya nun. Nilagay ko agad yung phone nya sa bag ko para hindi nya na maagaw ulit sakin. Hindi nya naman din napansin na ginawa ko yun.

Nag-decide akong ihatid na lang muna sya sa HTA. Alam ko naman kasing hindi nya kakayanin pang umuwi at hindi rin naman pwedeng samin sya matulog. Lalu lang ring magtatagal yung oras kapag nagtalo pa kami o anu.

Hinatid ko sya sa HTA at nung paalis na ako eh dun nya naalala yung phone nyang nasakin. Hindi ko binigay yung phone at sumakay na ako agad dun sa taxi pauwi.

Kinalkal ko phone nya at wala talaga na akong nakitang kahit anu pa dun. Ultimo number ko nga hindi naka-save dun eh. Pero ayus lang naman...

Narealize kong naglolokohan na naman kami nung nakita ko yung number nung Smart sim na nakainsert dun sa phone na yun. Bago yung sim na yun. So panu naman nangyari na luma na yung message dun kung bago lang yung sim?

Yun lang talaga...

Harap-harapan na namang lokohan to.

Hindi ako nakatulog kanina sa totoo lang. Alam mo yung pakiramdam na hindi mo na talaga alam as in literal kung anu yung iisipin mo. Yung tipong eto na nakikita mo na sa harapan mo pero nagbubulag-bulagan ka pa rin.

Tang-ina, umasa na naman kasi ako.

Hanggang ngayun hindi pa okay kasi wala pa talagang pormal na pag-uusap. Pinilit ko lang na maibalik yung phone nya kasi wala nang time para maibalik ko yun tsaka kanya yun eh. Hindi naman sakin. Aalis pa naman na ako bukas so wala na talagang time.

Hindi ko talaga alam anu nang mangyayari. Kapag nagbulag-bulagan na naman ako, super tanga na ang tawag sakin nun. Pero alam mo yung willing kang magpakatanga kasi mahal mo sya ng sobra? Leche. Bakit pa kasi naimbento yun???

Okay naman kami bago nangyari yun eh. Akala ko nga yun na yun talaga. Super sweet nya. Super nakatingin sya sa mga mata ko while telling me na mahal nya ako. Pero anu bang totoo??? Gusto kong maniwalang totoo lahat yun pero bakit kapag gagawin ko na, meron at meron akong naririnig na namang bagong bagay??? Dahil ba totoo na talaga yun at nagbubulag-bulagan lang talaga ako???

Ako na talaga yung tanga. Sobrang nakakahiya na 'to. T___T